Ang buong sangkatauhan ay mga makasalanan na pinalayas patungo sa lupa matapos makagawa ng malulubhang kasalanan sa langit. Makakabalik tayo sa langit tanging pag natanggap natin ang kapatawaran ng mga kasalanan mula sa Diyos na Siyang Hukom sa pamamagitan ng pamumuhay ng isang buhay ng ganap na pagsisisi alinsunod sa kalooban ng Diyos sa lupa, ang espirituwal na kulungan.
Gaya ng sinabi ni Jesus na, “Hindi Ko kayo kilala kailanman; lumayo kayo sa Akin, kayong mga gumagawa ng kasamaan!” makakabalik tayo sa ating tahanang langit tanging pag ipinanganak tayong muli sa pamamagitan ng pagsunod sa mga utos ng Diyos, sa pagbibigkas ng mga mapagbiyayang salita, at sa paggawa ng matutuwid na gawa, gaya ng itinagubilin ni Amang Ahnsahnghong at ng Diyos Ina.
“Anumang sinasabi ko sa inyo sa dilim, sabihin ninyo sa liwanag; at ang narinig ninyo sa bulong ay ipagsigawan ninyo sa ibabaw ng mga bubungan. At huwag ninyong katakutan ang mga pumapatay ng katawan, ngunit hindi nakakapatay ng kaluluwa, kundi katakutan ninyo siyang makakapuksa ng kaluluwa at ng katawan sa impiyerno.”
Matthew 10:27–28
Sinabi ni Jesus, “Pumarito ako sa sanlibutang ito para sa paghatol”
John 9:39
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy