Ibinigay sa atin ni Jesus ang mahalagang katuruan at halimbawa na, “Lumapit sa Akin at matuto kayo ng pagpapakumbaba at ng paraan ng paglilingkod.”
Pag ang mga may hawak na titulo at posisyon na nangunguna sa ebanghelyo at ang mga banal na unang nakaunawa sa katotohanan ay naglilingkod sa isa’t isa nang may pagpapakumbaba, tatanggap sila ng kaluwalhatian bilang maharlikang pagkapari sa kaharian ng langit.
Gaya ng kung paanong si Cristo Ahnsahnghong at ang Diyos Ina ay laging naglilingkod sa mga banal sa buong mundo nang may pag-ibig, ang mga miyembro ng Church of God, na nakatanggap ng mga katuruang ito, ay nangangaral ng ebanghelyo nang may puso ni Ina at nagbibigay ng mainit na pag-ibig sa mga nahihirapan sa makasalanang mundong ito.
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at matuto kayo sa akin; sapagkat ako’y maamo at may mapagpakumbabang puso at makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa.”
Matthew 11:28–29
“at ang sinumang nais na maging una ay kailangang maging alipin ng lahat.”
Mark 10:44
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy