Ang mga banal ng sinaunang Simbahan ay taimtim na nanalangin 
nang sampung araw mula sa Araw ng Pagpalangit hanggang sa 
Araw ng Pentecostes. Sa Pentecostes, natanggap nila ang Espiritu 
Santo na nagpahintulot sa kanilang magkaroon ng matapang na 
pananampalataya at na maganap ang kapansin-pansin na 
biglang gawain ng ebanghelyo. Sa Panahon ng Espiritu Santo, 
ipinagkakaloob sa atin ng Diyos ang mga kaloob ng Espiritu Santo 
sa Pentecostes, na pitong beses pang mas malakas kaysa noon.
Matapos matanggap ang Espiritu Santo, 
ang sinaunang Simbahan ay nagpatotoo na, “Si Jesus ang Cristo.” 
Sa parehong paraan, ang mga miyembro ng Church of God ngayon 
— na tumanggap ng Espiritu Santo ng huling ulan sa pamamagitan 
ng pagdiriwang ng Araw ng Pentecostes — ay matapang na 
nangangaral sa buong mundo tungkol sa ating mga Tagapagligtas, 
na si Cristo Ahnsahnghong at ang Diyos Ina.
Nang dumating ang araw ng Pentecostes, silang lahat ay nagkakatipon sa isang lugar. Biglang dumating mula sa langit ang isang ugong na gaya ng isang humahagibis na hanging malakas … Silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo, at nagsimulang magsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu. Acts 2:1–4
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA 
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy