Tinawag ng Diyos si Moises para umakyat sa Bundok ng Sinai sa ika-40 araw matapos tumawid sa Dagat na Pula. Ang mga gawa ni Moises ay naglalarawan sa pag-akyat ni Cristo sa langit sa ika-40 araw matapos Niyang mabuhay muli mula sa mga patay.
Ito ang pinagmulan ng Araw ng Pagpalangit na ipinagdiriwang natin ngayon.
Ang ating Amang Cristo Ahnsahnghong at ang Diyos Ina ay laging nagtuturo sa atin sa pamamagitan ng Biblia na ang mga nagdiriwang ng mga kapistahan, ang mga makalangit na kautusan, ay ang mga may makalangit na pagkamamamayan.
Si Jesus mismo ang nagpakita sa atin na ang mga may makalangit na pagkamamamayan ay mababago at madaramitan ng isang maluwalhating katawan sa isang kisap-mata; nagbigay Siya ng halimbawa nang umakyat Siya sa langit mula sa Bundok ng mga Olibo.
Sapagkat ang ating pagkamamamayan ay nasa langit; mula roon ay hinihintay naman natin ang Tagapagligtas, ang Panginoong Jesu-Cristo,
na siyang magbabago ng ating hamak na katawan upang maging katulad ng katawan ng kanyang kaluwalhatian, ayon sa kapangyarihan na kumikilos sa kanya upang maipailalim sa kanyang sarili ang lahat ng mga bagay.
Philippians 3:20–21
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy