Si Saul ay ang unang hari ng Israel.
Ginawa ng Diyos si Saul na isang hari nang tinuring niyang maliit ang sarili.
Gayunman, nang nakita ng Diyos si Haring Saul na hindi lubusang sumunod sa Kanyang salita, ikinalungkot Niya na ginawa Niyang hari si Saul.
Sa kabilang banda, hindi tulad ni Haring Saul, lubos na dumepende si David sa Diyos at sumunod sa salita ng Diyos nang gaya ng pagkakabigay rito.
Kaya pinuri ng Diyos si David, sinasabing, “Siya ay isang lalaking kinalulugdan ng Aking puso.”
Dahil ang bayan ng Israel din ay nagbigay ng papuri kay David, nagsimulang madismaya si Haring Saul, kaya nagselos at nainggit siya kay David at sinubukan pa niyang patayin ito.
Bilang resulta, si Haring Saul ay tinalikuran ng Diyos at humarap sa isang miserableng katapusan.
Sa pagtingin sa kasaysayan ni Haring Saul, masusuri natin ang ating mga sarili na naglalakad sa landas ng pananampalataya.
Minsan, nakakaramdam ba tayo ng pagkadismaya tungo sa ating mga kapatid na kasama nating naglalakad sa landas ng pananampalataya?
Suriin natin ang mga sarili para makita kung may pag-iisip tayo na mas mataas tayo kaysa sa kanila pag nakakaramdam tayo ng pagkadismaya tungo sa mga kapatid.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy