Nang pinili ng Diyos ang hukbo ni Gideon, ibinukod Niya ang mga may takot. Lagi niyang binigyang-diin sa hukbo ni Josue na wag matakot. Sa pamamagitan nito, makikita natin na ang pinakamahalagang bagay ay ang maniwala sa mga pangako ng Diyos at sumulong nang may tapang.
Gaya ng mga Israelita na hindi nakapaniwala sa mga pangako ng Diyos, naghatid ng masamang ulat patungkol sa Canaan, at nagreklamo, kung mag-aatubili tayo dahil natatakot tayo sa mga tao at sa kapaligiran, hindi tayo kailanman makakapasok sa kaharian ng langit, ang espirituwal na Canaan. Pag buong tapang tayong nangangaral ng ebanghelyo ng kaharian ng langit, naniniwala sa pangako na ibinigay ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina upang pagpalain tayo sa panahong ito, matutupad ang kamangha-manghang gawain ng ebanghelyo na gugulat sa buong mundo.
“Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag aalisin sa iyong bibig, kundi ito ay iyong pagbubulay-bulayan araw at gabi, upang iyong masunod ang ayon sa lahat ng nakasulat dito; sapagkat kung magkagayo’y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at magtatamo ka ng tagumpay. Hindi ba’t inutusan kita? Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang na mabuti; huwag kang matakot, ni manlupaypay; sapagkat ang PANGINOON mong Diyos ay kasama mo saan ka man pumaroon.”
Joshua 1:8–9
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy