Una, ang gatas ng ina ay tumutulong sa pagbuo ng matibay na kaugnayan sa pagitan ng ina at anak at nagsisilbing pangunahing pinagmumulan ng mga sustansiya. Ang unang gatas na lumalabas, ang colostrum, ay nagsisilbing natural na bakuna na pumoprotekta sa bagong silang na sanggol. Salamat sa colostrum sa gatas ng ina, ang sanggol ay tumatanggap ng 100% proteksiyon mula sa iba’t ibang mga karamdaman. Ang pagkilala sa kahalagahan ng gatas ng ina ay nagbibigay-diin sa isang mahalagang prinsipyo hindi lang sa pisikal na mundo kundi pati sa espirituwal na mundo.
“Karapat-dapat ka, O Panginoon at Diyos namin, na tumanggap ng kaluwalhatian at karangalan at kapangyarihan, sapagkat nilikha mo ang lahat ng mga bagay at dahil sa iyong kalooban ay nabuhay sila at nalikha.”
Revelation 4:11
Tulad ng may ina na nagpapasusuo sa kanyang sanggol sa lupa, dapat na may espirituwal na Ina na nagbibigay sa atin ng gatas ng ina sa espirituwal sa langit.
Pinatototohanan ng Biblia ang pag-iral ng espirituwal na Ina sa langit, tulad ng makalupang karanasan ng isang ina, na nagpapalaki sa Kanyang mga anak sa pagbibigay ng espirituwal na sustansiya.
Ngunit ang Jerusalem na nasa itaas ay malaya, na siyang ating ina.
Galatians 4:26
Pinopropesiya ng Biblia na sa mga huling araw, ang Makalangit na Inang Jerusalem ay nagbibigay ng espirituwal na gatas ng ina, ang espirituwal na puting dugo, sa buong sangkatauhan na nangangailangan ng kaligtasan.
“Kayo’y magalak na kasama ng Jerusalem, at matuwa dahil sa kanya, kayong lahat na umiibig sa kanya … upang kayo’y makasuso at mabusog mula sa kanyang nakaaaliw na mga suso … Sapagkat ganito ang sabi ng PANGINOON: “Narito, ako’y magbibigay ng kapayapaan sa kanya na parang isang ilog … at inyong sususuhin; kayo’y kakalungin sa kanyang balakang, at lilibangin sa kanyang mga tuhod.”
Isaiah 66:10–13
Gaya ng ang isang sanggol ay tumatanggap ng buhay sa pamamagitan ng pisikal na ina, makakatanggap tayo ng kaligtasan sa pamamagitan ng espirituwal na Ina.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy