Narinig niyo na ba ang tungkol sa mga stem cell?
Ang mga stem cell ay nagtataglay ng kapansin-pansing kakayahan na magpabago sa sarili at lumago upang maging iba’t ibang mga uri ng cell, kabilang ang mga nasa baga, buto, puso, atay, at nasa ibang mga organ.
Ang mga cell na ito ay gumaganap ng napakahalagang papel sa paglaki at pagpapanatili ng mga buháy na organismo.
Kung walang mga stem cell, imposible ang pag-iral ng isang buhay na organismo.
Ang mga cell na ito ay kilala rin sa ibang pangalan: ang inang cell.
Ang mga hematopoietic stem cell, na isang uri ng stem cell, ay gumaganap ng mahalagang papel sa pagprotekta sa buhay ng isang indibidwal.
Ginagamit nila ang pampartikular na resistensiya para punteryahin at alisin ang mga mapaminsalang salik na maaaring magbanta o makapinsala sa buhay at kaligtasan ng isang indibidwal.
Sa ganitong paraan, naihayag ng Diyos ang Kanyang kalooban sa pamamagitan ng lahat ng bagay.
Ipinapaalam sa atin ng Biblia ang tungkol sa Diyos Elohim, ang Espiritu Santo at ang Babaing ikakasal, na pinagmumulan ng buhay at pumoprotekta sa atin, gaya ng mga stem cell sa katawan ng tao.
Ang Espiritu at ang babaing ikakasal ay nagsasabi, “Halika.” At ang nakikinig ay magsabi, “Halika.” At ang nauuhaw ay pumarito, ang may ibig ay kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.
Revelation 22:17
Tinuturuan tayo ng Biblia na ang Espiritu at ang Babaing ikakasal ay ang pinagmumulan ng buhay sa panahong ito, at na poprotektahan tayo ng Diyos Ina mula kay Satanas at bibigyan tayo ng tubig ng buhay.
Gaya ng hindi tayo mabubuhay sa mundong ito nang walang stem cell, hindi rin mabubuhay ang ating mga kaluluwa nang walang Diyos Ina.
Pakiusap, alamin ang higit pa tungkol sa Diyos Ina sa pamamagitan ng Biblia at tanggapin ang pagpapala ng buhay na walang hanggan na ibinibigay Niya.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy