Ano ang gagawin niyo para mawala ang stress?
Ang lahat ay may kanya-kanyang paraan upang mabawasan ang kanilang panloob na stress.
Pero ngayon, nais kong magmungkahi ng ibang paraan.
Ito ay ang tawagan ang iyong ina.
Pinag-aralan ng Stanford University School of Medicine kung paano naisaaktibo ang utak pag naririnig ang tinig ng kanilang mga ina, sa pagsusuri sa 24 na bata na edad pito hanggang 12.
Ang ilang recording ay naglalaman ng tinig ng kanilang sariling ina, at ang ibang mga recording ay naglalaman ng tinig ng mga kababaihan na hindi nila kilala.
Kahit na napakaikli ng mga clip at wala pang isang segundo ang haba, natukoy ng mga bata ang tinig ng kanilang ina nang higit sa 97% na katumpakan.
Higit na naisaaktibo ang mga utak nila nang narinig ang tinig ng kanilang mga ina kaysa sa tinig ng ibang mga babae.
Ang mga batang agad na nakakilala ang tinig ng kanilang ina ay napag-alaman din na sila ang may pinakamahusay na kakayahan sa pakikipagkomunikasyon sa ibang mga tao.
Kung gayon, ito ba ay para lang sa ating pisikal na katawan?
Prinopesiya ng Biblia na ang ating espirituwal na Ina ay bababa sa lupang ito mula sa langit.
“Halika, ipapakita ko sa iyo ang babaing ikakasal,
ang asawa ng Kordero.” At … ipinakita sa akin ang
banal na lunsod ng Jerusalem, na bumababa
mula sa langit buhat sa Diyos
Rev 21:9–10
ang Jerusalem na nasa itaas
ay malaya, na siyang ating ina.
Gal 4:26
Ang Biblia ay nagpapatotoo na ang Makalangit na Ina ay nagpakita sa lupang ito sa laman, upang marinig natin ang Kanyang tinig na may malaking epekto sa atin para maging mga anak Niya at maligtas.
Kung gayon, may tinig ba na mas mahalaga, o mas kapaki-pakinabang na pakinggan maliban sa tinig ng ating Makalangit na Ina?
Ayon sa kongkretong katibayan, naniniwala ako na alam niyo na ang sagot.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy