Sa kasaysayan ng limang tinapay at dalawang isda, sinabi ng Diyos na ang mahimalang tinapay na pinakain sa 5,000 katao ay ang pagkain na nasisira.
Gayundin, sinabi Niya na ang mahimalang manna na ibinigay sa 40 taóng paglalakbay sa disyerto ay ang pagkain na hinayaan pa rin silang mamatay kahit na kinain nila ito.
Gayunman, dahil ang realidad ng tinapay ng Paskuwa ay si Jesus, sinabi Niya na ito ang pagkaing nagbibigay ng buhay na walang hanggan.
Sa mundo ng mga himala, walang ano mang magagawa sa pamamagitan ng kakayahan ng tao.
Sa disyerto, siniyasat ng sampung espiya ang Canaan, iniisip lang kung ano ang magagawa nila.
Gayunman, inisip nina Josue at Caleb kung ano ang magagawa ng Diyos.
Gaya nina Josue at Caleb, ang Church of God ay nangangaral ng ebanghelyo ng bagong tipan sa buong mundo, dumidepende sa kapangyarihan ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina.
“Ako ang tinapay ng buhay.
Kumain ng manna sa ilang ang inyong mga ninuno, at sila’y namatay.
Ito ang tinapay na bumababang galing sa langit, upang ang sinumang makakain nito ay hindi mamatay.
Ako ang tinapay na buhay na bumaba mula sa langit. Ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailanman.”
[John 6:48–51]
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy