Nakalimutan ng mga Israelita ang salita ng Diyos na nagligtas sa kanila noong tinuklaw sila ng mga makamandag na ahas.
Sa halip, sinamba nila ang ahas na tanso sa loob ng mahigit 800 taon, pero binasag ni Hezekias ang ahas na tanso.
Gaya nito, ang pinakamahalaga ay ang mahalagang dugo ni Jesu-Cristo na nagliligtas sa sangkatauhan.
Kaya dapat nating maunawaan na kung ilalagay natin ang krus, na isang kasangkapan lang para sa pagpatay, susumpain tayo.
Ang krus ay ipinasa sa Roma mula sa panahon ng sinaunang Babilonia.
Ipinakilala ito sa Simbahan noong mga A.D. 431, pagkatapos umakyat si Jesus sa langit at pumanaw ang lahat ng apostol.
Ayon sa mga katuruan ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina, na nagsabing, “Wag sumamba sa mga diyos-diyosan,” ang Church of God ay hindi nagtatayo at sumasamba sa krus o ano mang iba pang larawan.
“Huwag kang gagawa para sa iyong sarili ng inukit na larawan o ng anumang kawangis ng anumang nasa langit sa itaas, o ng nasa lupa sa ibaba … Huwag mo silang yuyukuran, o paglingkuran man sila”
Exodus 20:4–5
“ ‘Sumpain ang taong gumagawa ng larawang inukit o inanyuan, isang karumaldumal sa PANGINOON na gawa ng mga kamay ng manggagawa at lihim na inilagay sa isang dako.’ At ang buong bayan ay sasagot at magsasabi, ‘Amen.’ ”
Deuteronomy 27:15
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy