Ang Diyos lang ang nagbibigay ng tubig ng buhay sa lahat ng panahon — sa Panahon ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Gayunman, sinasabi ng ilan na ang mga banal ay nakakapagbigay ng tubig ng buhay.
Walang katuturan na ang mga banal, na naghahatid lang ng tubig ng buhay ng Diyos, ay nagsasabi na sila ang magbibigay ng tubig ng buhay.
Ito ay gaya ng pagsasabi ng isang kartero na naghahatid ng liham, “Ako ang nagpadala.”
Walang kabuluhan na kumilos na parang nagbibigay tayo ng isang bagay kahit na iba ang nagbibigay nito.
Kung sasabihin natin na tayo ang nagbibigay ng isang bagay na nagmumula sa Diyos, magdadala ito ng sumpa sa ating mga sarili.
Bilang bayan ng Diyos, dapat nating alamin kung sa anong anyo darating ang Diyos para bigyan tayo ng tubig ng buhay sa panahong ito, kung bakit nilalarawan ng Biblia ang Diyos bilang ang Espiritu Santo at ang Babaing ikakasal, at kung paano Sila nagbibigay ng tubig ng buhay.
Ang Church of God ay naniniwala sa Espiritu Santo na si Ahnsahnghong at sa Diyos Ina na Siyang Babaing ikakasal.
Umaasa kami na tatanggap kayo ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng tubig ng buhay na ibinibigay ng Diyos Ama at Diyos Ina.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy