Gaya na pinagpapasiyahan ng hukom kung ang nagsasakdal at ang nasasakdal
ay tama o mali sa sekular na paglilitis, pag dumating ang Araw ng Paghuhukom
sa lupa, ang Diyos na Siyang Hukom sa langit ay magbibigay-hatol kung
pupunta ba ang mga tao sa langit o sa impiyerno ayon sa kanilang mga gawa,
batay sa mga salita ng Biblia.
Sinasabi ng Diyos na ang mga nagsasabing, “Naniniwala ako sa Diyos,”
pero hindi tumutupad sa mga utos ay sisentensiyahan ng impiyerno
bilang mga espirituwal na sinungaling.
Sa panahong ito, ipinagkakaloob ng Diyos ang kaligtasan sa mga makalangit
na anak na nananatili sa katotohanan ng bagong tipan alinsunod sa mga
katuruan ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina, inaalala ang araw ng
Sabbath upang ingatan itong banal.
“Hindi lahat ng nagsasabi sa akin ‘Panginoon, Panginoon,’ ay papasok
sa kaharian ng langit, kundi ang gumaganap ng kalooban ng
aking Ama na nasa langit.”
Matthew 7:21
At sa ganito’y nalalaman natin na siya’y kilala natin, kung tinutupad
natin ang kanyang mga utos. Ang nagsasabing, “Kilala ko siya,”
ngunit hindi tinutupad ang kanyang mga utos, ay sinungaling,
at ang katotohanan ay wala sa kanya.
1 John 2:3–4
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy