Ipinagdiriwang ng buong mundo ang kaarawan ni Jesus sa Pasko (December 25).
Gayunman, wala sa Biblia ang petsa ng kaarawan ni Jesus.
Sinasabi lang nito na ang mga pastol, na nagbabantay sa kanilang mga kawan sa parang, ay pumuri kay Jesus. (Lk 2:8)
Sa malamig na taglamig, hindi posible na bantayan ang mga kawan sa mga parang.
Ipinanganak ba talaga si Jesus noong December 25?
Ang mga sinaunang Kristiyano ay hindi nagdiwang ng kaarawan ni Jesus.
Kung gayon, saan nagmula ang Pasko?
December 25, Pasko ...
“Ang Disyembre 25 ay HINDI kaarawan ni Jesus, kundi ng diyos-diyosang Araw.
Ang Pasko ay nagmula sa isang paganong kapistahan para sa di-malupig na Araw.”[Encyclopedia Britannica]
‘Ano? Ang Pasko ay nagmula sa isang paganong kapistahan?’
“Sa sinaunang Roma, may isang kapistahan na pinangalanang Saturnalia mula December 17 hanggang December 24.”[Kasaysayan ng Kristiyanong Simbahan]
“Sa pagdiriwang na ito, nagpakasasa ang mga tao sa pagpapakasaya,
hindi alintana ang kayamanan o posisyon sa lipunan.”[Kasaysayan ng Kristiyanong Simbahan]
‘Hindi! Paano ito nangyari?! Ang Pasko, December 25, ay hindi kaarawan ni Jesus!!!’
“Ang December 25, kung kailan nagsimulang humaba ang mga araw, ay tinuring bilang kaarawan ng diyos na si Mithra.”[Encyclopedia Britannica]
Nagkukunwaring sumisira sa pananampalataya kay Mithra, ang Simbahang Romano Katoliko ay nasiyahan sa kapistahan sa pagbabago ng “kaarawan ng diyos-diyosang Araw” sa kaarawan ni Jesus.[The Golden Bough by James G. Frazer]
Ang puno ng Pasko ay nagmula sa paganong ritwal na pagsamba sa puno.[Encyclopedia Britannica]
Ang larawan ni Santa Claus na may puting balbas at nakasuot ng pulang damit ay nilikha noong 1931 para sa isang patalastas ng Coca-Cola.[Nilarawan ni Haddon Sundblom]
Alam na alam ng mga simbahan na ang Pasko ay hindi kaarawan ni Jesus.
Gayunman, nagsisinungaling pa rin sila na ang Pasko ay kaarawan ni Jesus.
Ang mga Kristiyano ay ganap na walang malay sa katotohanang ito.
“Pagkatapos ng A.D. 354, ang Pasko ay ipinagdiriwang noong December 25.”[World Book Encyclopedia]
Pagkatapos ng A.D. 354? Ang mga alagad at mga apostol ni Jesus ay hindi kailanman nagdiwang ng Pasko!
“Ang Pasko ay hindi tinatag ng Diyos ni nakabatay sa Biblia.”[Cyclopedia of Biblical, Theological and Ecclesiastical Literature]
Pinalitan nila ang kaarawan ng diyos-diyosang Araw sa kaarawan ni Jesus!
Nakatatakot ito!
Sinasabi ng Biblia na kung susundin ng mga tao ang mga alituntuning gawa ng mga tao, walang kabuluhan ang kanilang pagsamba sa Diyos. (Mt 15:9)
Napakaraming beses na nakasulat sa Biblia kung paano nawasak ang mga Israelita sa pagsunod sa mga paganong kaugalian! (Eze 11:8–12)
Sa Disyerto ng Sinai, inisip nila na sinasamba nila ang PANGINOONG Diyos habang sumasamba sa diyos-diyosan. (Ex 32:1–6)
Si Jeroboam, ang hari ng Hilagang Israel, ay nagdiwang ng kapistahan sa isang buwan na kanyang pinili, nag-aangking sumasamba sa Diyos. (1 Ki 12:25–33)
Gayunman, ang mga sumamba sa diyos-diyosan ay nawasak lahat.
Sa parehong paraan, kahit na inaangkin nilang sumasamba sila kay Jesus sa Pasko, ito ay tanging pagsamba sa diyos-diyosan.
Ang katapusan ng pagsamba sa diyos-diyosan ay pagkawasak.
Ang Church of God na tinatag ni Ahnsahnghong, ang Cristo na dumating sa ikalawang pagkakataon, ay hindi nagdiriwang ng Pasko, ang kaarawan ng diyos-diyosang Araw, na hindi matatagpuan sa Biblia.
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy