Nang nilisan ng mga Israelita ang Ehipto, unang ibinunyag ng Diyos ang kapangyarihan ng Paskuwa at ipinahayag ang Paskuwa sa pamamagitan ng kautusan ni Moises, inuutusan silang ipagdiwang ito sa buong panahon ng kanilang mga salinlahi sa takdang panahon.
Kalaunan, ang bayan ng Diyos ay pinuri at naprotektahan mula sa mga sakuna matapos ipagdiwang ang Paskuwa, at ipinagdiwang din ni Jesus ang Paskuwa kasama ang Kanyang mga alagad, na nagkakaloob sa kanila ng pagpapala na buhay na walang hanggan.
Dahil ang Paskuwa ay inalis noong A.D. 325, ang lahat ng simbahan ay sumusunod sa mga kaugalian ng isang paganong diyos-diyosan. Gayunman, ang mga miyembro ng Church of God ay nakakaunawa sa kahalagahan ng Paskuwa, na iniutos ng Diyos sa Kanyang bayan na ipagdiwang sa buong panahon ng kanilang mga salinlahi, sa pamamagitan ng mga katuruan ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina, at sinusunod nila ito.
At iniutos ng hari sa buong bayan, “Ipagdiwang ninyo ang paskuwa sa PANGINOON ninyong Diyos, gaya ng nasusulat sa aklat na ito ng tipan” … Sa mga haring nauna sa kanya ay walang naging gaya niya na bumalik sa PANGINOON ng kanyang buong puso, buong kaluluwa, at buong lakas niya ayon sa lahat ng kautusan ni Moises, ni may lumitaw mang gaya niya pagkamatay niya.
2 Kings 23:21–25
At sinabi niya, “Pumunta kayo sa isang tao sa lunsod at sabihin ninyo sa kanya, ‘Sinabi ng Guro, Malapit na ang oras ko; sa iyong bahay ko gaganapin ang paskuwa kasama ng aking mga alagad.’ ” At ginawa ng mga alagad ang ayon sa ipinag-utos sa kanila ni Jesus, at inihanda nila ang paskuwa.
Matthew 26:18–19
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy