Kinakatawan ng Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa ang diwa ng sakripisyo, dedikasyon, at pag-ibig ni Cristo na nagkripisyo ng sarili para iligtas ang sangkatauhan na nagkasala sa langit.
Dapat nating gunitain ang Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa nang may layunin na magsisi sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagkakapako kay Cristo sa krus at ng buhay ni Cristo, at na masayang makibahagi sa Kanyang pagdurusa.
Dumating ang Diyos sa lupa para sa kaligtasan ng sangkatauhan, pero maging si Pedro, na kilala sa kanyang pananampalataya, si Judas Iscariote, at ang ibang mga alagad ay gumawa ng lahat ng kasuklam-suklam na bagay sa paningin ng Diyos. Natututo mula sa pag-ibig ng Diyos na hindi napoot sa mga makasalanang ito kundi naawa sa kanila, dapat tayong lumakad sa landas ng pananampalataya nang pinapasan ang ating sariling krus.
“Subalit nangyari ang lahat ng ito, upang matupad ang mga kasulatan ng mga propeta.” Pagkatapos ay iniwan siya ng lahat ng mga alagad at sila’y tumakas.
Matthew 26:56
Pagkatapos ay sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Kung ang sinuman ay ibig sumunod sa akin, tanggihan niya ang kanyang sarili, at pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin.”
Matthew 16:24
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy