Ang mga propetang nagsulat ng Biblia ay nabuhay sa iba’t ibang mga panahon at nagkaroon ng iba’t ibang mga hanapbuhay at iba’t ibang mga pagkatao, pero sa pag-uudyok ng Espiritu Santo ng Diyos, nag-iwan sila ng mga pareho at naaalinsunod na propesiya, nililiwanagan tayo tungkol sa “dahilan kung bakit naparito ang sangkatauhan sa lupa at kung saan tayo patungo.”
Dahil ang Biblia ay totoo, dapat tayong maniwala sa mga propesiya tungkol kay Cristo Ahnsahnghong at sa Diyos Ina. Prinopesiya ng aklat ni Isaiah ang tungkol sa pagdurusa ni Jesus 700 taon bago ang Kanyang pagdating, at nairekord sa aklat ni Job 3,500 taong nakalilipas ang tungkol sa water cycle at sa katotohanan na ang lupa ay nakabitin sa kalawakan, mga katotohanan na natuklasan lang ng agham noong ika-17 siglo.
Ang lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran, upang ang tao ng Diyos ay maging ganap, nasasangkapang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.
2 Timothy 3:16–17
“Iniuunat niya ang hilaga sa ibabaw ng walang laman, at ibinibitin ang daigdig sa kawalan.”
Job 26:7
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy