Ang kautusan ng Halamanan ng Eden, ang kautusan ng lumang tipan, at ang bagong tipan na tinatag ni Jesus ay tinatag lahat ng Diyos Elohim para pagkalooban ng maningning na luwalhati at kaligayahan ang sangkatauhan sa hinaharap.
Ngayon, tinuturuan tayo ng Diyos sa pamamagitan ng maraming propeta, kabilang si Propetang Daniel, na ang pagtalikod sa mga utos at mga kautusan ng Diyos ay tinuturing na paglabag sa kautusan, kasamaan, at paghihimagsik.
Iniuukit ng mga miyembro ng Church of God sa kanilang mga puso ang mga katuruan ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina, na nag-utos sa kanila na wag kaligtaan kahit ang pinakamaliit na katuruan ng Diyos kundi kumilos alinsunod sa Biblia.
Dahil tinatag ni Jesus ang kautusan ng bagong tipan at nagbigay din ng halimbawa ng pagsunod dito, ipinagdiriwang nila ang pitong kapistahan sa tatlong panahon, kabilang ang Sabbath at ang Paskuwa.
“ ‘At siya’y magsasalita laban sa Kataas-taasan, at … kanyang iisiping baguhin ang mga panahon at ang kautusan … At ang kaharian, ang kapangyarihan, at ang kadakilaan ng mga kaharian sa silong ng buong langit, ay ibibigay sa bayan ng mga banal ng Kataas-taasan. Ang kanyang kaharian ay magiging walang hanggang kaharian’ ”
Daniel 7:25–27
Kahit isulat ko para sa kanya ang aking kautusan nang sampu-sampung libo, ang mga iyon ay ituturing nilang kakatuwang bagay.
Hosea 8:12
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy