Pinatototohanan ng Biblia at ng mga propeta na ang dahilan kung bakit dumating ang Cristo sa ikalawang pagkakataon ay para wasakin ang kamatayan, iyon ay, para bigyan ang sangkatauhan ng buhay na walang hanggan, at para dalhin sila sa kaharian ng langit.
Ang tanging paraan upang ang sangkatauhan, na nakagawa ng kasalanang karapat-dapat sa kamatayan sa langit, ay tumanggap ng buhay na walang hanggan ay sa pagkain at pag-inom ng laman at dugo ni Jesus sa pamamagitan ng Paskuwa, gaya noong 2,000 taong nakalilipas.
Alinsunod sa propesiya ni Isaias na ang Diyos lang ang makakagawa ng isang kapistahan na lulunok sa kamatayan magpakailanman, ang mga miyembro ng Church of God ay naniniwala kay Cristo Ahnsahnghong bilang Diyos at nagdiriwang ng Paskuwa dahil Siya ang nagwasak ng kamatayan sa pamamagitan ng Paskuwa.
“Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at siya’y muli kong bubuhayin sa huling araw.”
John 6:54
At sa bundok na ito ay gagawa ang PANGINOON ng mga hukbo sa lahat ng mga bayan ng isang kapistahan ng matatabang bagay, ng isang kapistahan ng mga nilumang alak ... Lulunukin niya ang kamatayan magpakailanman ... At sasabihin sa araw na iyon, “Ito’y ating Diyos; hinintay natin siya at ililigtas niya tayo.”
Isaiah 25:6–9
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy