Nilinlang ni Satanas ang bayan ng Diyos para paalisin sila mula sa langit tungo sa lupang ito at patuloy silang nililinlang para hindi na sila makabalik sa kaharian ng langit.
Dahil dito, inalis niya ang Sabbath at ang Paskuwa para hadlangan ang bayan ng Diyos sa pagsamba sa Diyos, at ipinasok niya sa templo ng Diyos ang mga kaugalian ng diyos-diyosang Araw tulad ng Linggong pagsamba at Pasko.
Tinalo ni Elias ang 850 bulaang propeta sa pamamagitan ng pagsamba na inihandog sa Diyos, at tinalo ni Jesus si Satanas sa mga salitang, “Sambahin mo ang Panginoon mong Diyos, at siya lamang ang paglingkuran mo.” Sa Panahon ng Espiritu Santo, itinuro sa atin ni Cristo Ahnsahnghong at ng Diyos Ina na sa pamamagitan ng pagsunod sa bagong tipan, makakapaglingkod tayo sa Diyos upang matanggap ang kapatawaran ng mga kasalanan at makabalik sa walang hanggang kaharian ng langit.
“Huwag ninyong gagawin ang gaya ng ginagawa sa lupain ng Ehipto na inyong tinirahan; at huwag din ninyong gagawin ang gaya ng ginagawa nila sa lupain ng Canaan, na pinagdadalhan ko sa inyo. Huwag kayong lalakad ng ayon sa mga alituntunin nila. Gagawin ninyo ang aking mga tuntunin at tutuparin ninyo ang aking mga batas at lakaran ninyo ang mga iyon … na kapag tinupad ng isang tao, siya ay mabubuhay. Ako ang PANGINOON.” Leviticus 18:3–5
119 Bundang P.O.Box, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of KOREA
Tel 031-738-5999 Fax 031-738-5998
Head Office: 50, Sunae-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
Main Church: 35, Pangyoyeok-ro, Bundang-gu, Seongnam-si, Gyeonggi-do, Rep. of Korea
ⓒ World Mission Society Church of God. Reserbado ang lahat ng karapatan. Privacy Policy